
Nagbigay ng mensahe ang ex-PBB housemates na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa bagong pasok sa Bahay ni Kuya na sina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat.
Personal na kakilala nina Ashley at AC sina Shuvee at Xyriel.
Ilang taon na ring housemates sina Ashley at Shuvee matapos nilang magkakilala sa primetime series na Hearts on Ice.
"Shuvee is my best friend and my real housemate in the outside world and my real ka-duo. I'm rooting for her. Sana mahalin siya ng tao tulad ng pagmamahal na binigay ko sa kanya. Because her personality is just really bubbly and funny so sana abangan nila. Shuvee, kaya mo na 'yan. Just be yourself din. I know a lot of people will love you," lahad ni Ashley.
Naging co-star naman ni AC si Xyriel sa isang primetime series.
"Xyriel, just be yourself. Magkasama kasi kami sa High Street and I love that girl. Just be yourself. You know your heart. I know your heart. People know your heart. Just allow yourself to enjoy," mensahe naman ni AC.
Mapapanood ang teleserye ng totoong buhay na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Samantala, reunited sina ang magka-duo na sina Ashley at AC sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Gumaganap dito si Ashley bilang Tony, habang si AC naman ay si Charm. Pareho silang special investigations unit agents na tumutugis sa mga vigilante sa siyudad.
Dahil dito, mapupunta sa radar nila si Lolong, ang karakter ni primetime action hero Ruru Madrid.
Abangan sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.