GMA Logo Kapuso Bigtime Panalo
What's Hot

Mahigit 11 Milyong Papremyo, Ipamimigay sa Season 3 ng Kapuso Bigtime Panalo!

Published April 25, 2025 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 31, 2025
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Bigtime Panalo


Simula May 3, pitong (7) masuswerteng mamimili at sari-sari store owners ang may tsansang manalo ng ₱1,000,000 grand prize!

Ang Kapuso Bigtime Panalo, mas pinalaki na! Bilang pagdiriwang ng ika-75 na anibersaryo ng GMA Network, mas maraming papremyong aabot sa mahigit ₱11,000,000 ang ipamimigay sa mga loyal Kapuso viewers!

Simula May 3, pitong (7) masuswerteng mamimili at sari-sari store owners ang may tsansang manalo ng ₱1,000,000 grand prize!

Bukod pa rito, maaari ring mag-uwi ng Pangkabuhayan Package mula sa Puregold na nagkakahalaga ng ₱50,000!

At siyempre, mayroon ding daily cash prizes na ₱1,000 at weekly prizes na ₱7,500 at ₱75,000!

Para makasali sa Kapuso Bigtime Panalo 3, sundin lamang ang mga napakadaling mechanics na ito:

Bumili

Bumili ng alinman sa mga participating products: Palmolive Naturals, Nescafé Mixes, Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink, Colgate Maximum Cavity Protection, Aji-Ginisa® Flavor Seasoning Mix, Nestea Apple Iced Tea, at Lady's Choice.

Ilagay sa isang white envelope ang proof of purchase at ang papel kung saan nakalista ang pangalan, edad, kumpletong home address, contact number, at nakasulat-kamay na lagda.

Ipadala

Ihulog ang entries sa alinman sa 1,000 designated dropboxes na matatagpuan sa mga Mercury Drug branches, Puregold outlets, at sa lahat ng GMA Network TV at Radio stations sa buong bansa.

Manalo

Abangan ang weekly announcement ng winners sa Facebook Live ng official GMA Promos Facebook page. Makikita rin ang listahan ng mga nanalo sa facebook.com/GMAPromos at gmanetwork.com/GMAPromos.

Para sa kumpletong promo mechanics, bisitahin ang http://www.gmanetwork.com/GMAPromos at i-follow ang official social media accounts nito sa Facebook (www.facebook.com/GMAPromos) at TikTok (https://www.tiktok.com/@gmapromos).

Kaya mga Kapuso, sali na para may chance manalo ng BIGTIME papremyo mula sa Kapuso Bigtime Panalo Season 3! Simula na ito ngayong May 3 hanggang July 11, 2025.

Per DOH-FDA-CFRR Permit Number 0477 Series of 2025