GMA Logo Ashley Ortega and AC Bonifacio
What's Hot

Ashley Ortega at AC Bonifacio, may mensahe sa mga nominadong PBB housemates

By Marah Ruiz
Published April 26, 2025 11:51 AM PHT
Updated April 26, 2025 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega and AC Bonifacio


Nagbigay ng mensahe sina Ashley Ortega at AC Bonifacio para sa PBB housemates na nanganganib ma-evict ngayong Sabado ng gabi.

Booked and busy sina Ashley Ortega at AB Bonifacio matapos nilang lumabas sa Bahay ni Kuya.

Matatandaang ang kanilang dito ang unang pares na na-evict mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Matapos nito, sunud-sunod na ang guestings nina Ashely at AC sa iba't ibang programa.

Kabilang din sila sa latest guest stars ng action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila na pinagbibidahan ni primetime action hero Ruru Madrid.

Gumaganap sila sa serye bilang mga special investigations unit agents na tumutugis sa mga vigilante.

Habang naghihintay sa susunod nilang mga eksena, nagbigay sina Ashley at AC ng mensahe sa mga kasamahan nila sa Bahay ni Kuya, lalo na para sa mga nangananib ma-evict ngayong Sabado ng gabi.

"Guys, kapit lang. Laban lang," simpleng mensahe ni Ashley.

"Kaya niyo 'yan. Basta kami, nandito kami because we know how difficult it is inside and outisde. So from the outside world, we will be here for you," aniya.

Tatlong male celebrity duos ang nominado sa parating na third eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ito ay sina Brent Manalo at Vince Maristela (BrInce), Michael Sager at Emilio Daez (MiLi), at Ralph De Leon at Dustin Yu (RasTi).

Ayon sa ibang housemates, ang mga nominasyong ito ang bunga ng hindi umano pagiging "open" nina Dustin, Vince, Michael at Emilio. Hindi rin daw sila nakasundo ng ilang housemates sa nakaraang task na ipinagawa sa kanila ni Kuya.

Mapapanood ang teleserye ng totoong buhay na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.