
Matapos ang emosyonal na gabi para kay Michael Sager, to the rescue ang kaibigan nitong si Sean Lucas para pawiin ang lungkot nito matapos mamaalam sa PBB Celebrity Collab Edition third eviction night.
Sa Instagram ng GMA Network, makikitang miss na ni Sean si Michael sa kaniyang munting mensahe.
"Badi, musta ka na badi? Grabe! Ano nakalabas ka na sa Bahay ni Kuya and gusto ko lang sabihin sa 'yo na sobrang proud ko sa 'yo men," sabi ni Sean.
Ibinahagi din ng TRGGRD! host na matagal ng pangarap ni Michael ang PBB dahil noon pa lamang, nag-audition na ang aktor sa Bahay ni Kuya.
"Nakaka-proud pa din na kahit lumabas ka na ngayon, 'e nakamit mo pa din yung pangarap mo, na-experience mo pa din yung feeling doon sa loob and napanood ka pa din namin at minahal ka ng mga Pilipino. Ayun, congrats pa din tol," pagmamalaki ni Sean kay Michael.
Pagbiro nito, "Wag ka umiyak tol, nakakapanget sa TV, dapat masabi lang na pogi tayo bro kaya sana lumabas ka na, magpakita ka na, tinext na kita bro, mag-reply ka naman. Okay, kita na lang tayo ah!"
Tuluyan nang namaalam si Michael at ang kaniyang ka-duo na si Emilio Daez nitong Sabado, April 26.
Ang ligtas sa third eviction night ay ang duo nina Brent Manalo at Vince Maristela; at Dustin Yu at Ralph De Leon.
Huwag palampasin ang susunod na mga sorpresa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, kilalanin dito si Michael Sager: