
Magkasamang nagdala ng good vibes sa GMA morning show na Unang Hirit ang ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Michael Sager at Emilio Daez.
Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Live na bumisita sa UH studio sina Michael at Emilio at nakipagkuwentuhan sila sa hosts ng programa na sina Shaira Diaz at Lyn Ching ngayong Lunes, April 28.
Sa Instagram Stories, makikita ang post ni Emilio tungkol sa pagpunta nila sa GMA.
Sulat niya, “With my duo @michaelsager_, on Unang Hirit. Thank you for the warm welcome, Kapusos.”
Bukod dito, bumati rin siya sa fans nila Michael, “Good morning, Team MiLi.”
Sa latest Instagram post naman ng Unang Hirit, ipinasilip ang kulitan nina Michael at Emilio habang game na game sila sa pagti-TikTok.
Ang Sparkle star na si Michael Sager at Star Magic artist na si Emilio ang pinakabagong housemates at celebrity duo na na-evict sa Bahay ni Kuya.
Nakilala ang Kapuso actor sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Diligent Wonderson ng Marinduque, habang ang Kapamilya star naman ay nakilala bilang Mr. Bankable Achiever ng Pasig.
Samantala, huwag palampasin ang susunod na mga pasabog at mga sorpresa mula kay Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang palabas, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.