GMA Logo Emilio Daez, Mikael Daez, Megan Young
Courtesy: 24 Oras, emiliobdaez (IG)
What's Hot

Emilio Daez, thankful sa kaniyang Kuya na si Mikael Daez at sister-in-law na si Megan Young

By EJ Chua
Published April 30, 2025 10:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Emilio Daez, Mikael Daez, Megan Young


Ex-PBB housemate na si Emilio Daez kina Mikael Daez at Megan Young: “Never-ending 'yung support nila.”

Malaki ang pasasalamat ng Kapamilya star na si Emilio Daez sa kaniyang Kuya na si Mikael Daez at kaniyang sister-in-law na si Megan Young.

Related gallery: Emilio Daez, the equally good-looking brother of Mikael Daez

“Never-ending 'yung support nila. Win or lose kahit bago pa po ako pumasok ng industriya todo na po 'yung support nila. I love them very much,” pahayag ni Emilio sa panayam sa kanya ng “Chika Minute” para sa 24 Oras.

Bago naganap ang ikatlong eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, matatandaang isang post ang inilaan ni Megan para sa kaniyang brother-in-law na may kaugnayan sa PBB journey nito.

Si Emilio ang ka-duo ng Kapuso actor na si Michael Sager na kasabay niyang lumabas sa Bahay ni Kuya nitong Sabado, April 26.

Nakilala sila bilang celebrity duo na MiLi at hanggang ngayon ay patuloy silang minamahal ng Pinoy viewers at kanilang fans.

Si Emilio ay binansagan sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Mr. Bankable Achiever ng Pasig habang si Michael naman ay Diligent Wonderson ng Marinduque.

Samantala, patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang pinag-uusapang programa, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.