GMA Logo Jay Ortega
Photo by: Michael Paunlagui
What's Hot

Jay Ortega, 'grateful' sa sunod-sunod na projects sa GMA at suporta ng fans

By Aimee Anoc
Published April 30, 2025 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Ortega


"Very grateful ako for these opportunities na dumating sa akin. Sana marami pang dumating na challenging roles." - Jay Ortega

Grateful ang Sparkle actor na si Jay Ortega sa sunod-sunod na proyekto sa Kapuso Network.

Mula sa tumatak nitong role bilang Akio sa hit series na Pulang Araw, napapanood naman ngayon ang aktor bilang Gabo sa murder mystery series na SLAY.

Kasama rin ang aktor sa satirical comedy film na Samahan Ng Mga Makasalanan, na napapanood na ngayon sa mga sinehan.

Isa pa sa malaking seryeng pinaghahandaan ngayon ng aktor ay ang GMA fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

"Very grateful ako for these opportunities na dumating sa akin. Gusto kong magpasalamat syempre sa GMA, sa Sparkle. Sana marami pang dumating na challenging roles. Actually, nae-enjoy ko lahat ng ginagawa kong work ngayon," sabi ni Jay sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

Nagpasalamat din ang aktor sa lahat ng suportang natatanggap mula sa fans at manonood sa kanyang mga proyekto.

"Actually, nakakakilig 'yung mga positive comments ng mga viewers, nakakataba ng puso. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin. Sa mga fans ko, thank you for the love," ani Jay.

Subaybayan ngayon si Jay Ortega bilang Gabo sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI JAY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: