
Magkakaroon ng isang surprise guesting sa isang show si Star of the New Gen Jillian Ward.
Sa isang video na in-upload ng GMA Network sa Instagram ay makikita ang Sparkle star na nasa building ng kanyang home network.
Ayon kay Jillian ay magiging character siya sa isang show pero hindi pa nire-reveal sa kanya kung saan siya mapapasama.
"Ang sabi nila sa'kin, meron daw akong magiging character sa isang show pero hindi ko alam kung anong show kasi guest lang ako," ani Jillian sa video.
Kasama rin ni Jillian sa video ang kanyang handler pero maging ito ay sinabi na surprise kung saang show siya magiging guest.
Huling bumida si Jillian sa GMA series na My Ilonggo Girl kung saan nakatambal niya si Michael Sager.
Anong show kaya ang sasalihan ni Jillian? Abangan!
RELATED: Jillian Ward's looks that prove she's embracing her young adult era