
Kahapon, May 2, ipinagdiwang ng Encantadia ang ika-20 anibersaryo ng show kasama sina Faith Da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda na bibida sa upcoming series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sina Faith, Angel, at Kelvin ang bagong tagapagmana ng mga brilyante kasama si Bianca Umali.
Mainit na sinalubong ng mga empleyado ng GMA sina Faith, Angel, at Kelvin sa lobby ng GMA Network Center. Kasama rin nilang nakisaya si Imaw.
"Unang-una sa lahat, happy 20th anniversary, 'Encantadia.' Para sa akin, napakalaking biyaya to be part of 'Encantadia Chronicles' bilang isa siyang legacy ng GMA talaga, ito'y something na ipinagmamalaki nating lahat," saad ni Angel sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Dagdag ni Kelvin, "Isang biyaya din siya para sa akin kasi tinuturing ko siya na iconic artwork, e. Kumbaga, nakatatak na 'yan sa puso at isip ng mga Kapuso, ng mga Enkantadiks."
Pagtatapos ni Angel, "Marami po talagang sumusuporta sa 'Encantadia' since 2005, simula nung nag-umpisa ito. To be finally part of it, talagang hindi ko ma-explain, as in no words pero grateful, very grateful for it."
Ano kaya ang karanasan nina Faith, Angel, at Kelvin nang mapanood nila ang Encantadia noon?
Alamin ang sagot sa buong panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Mapapanood ang full episodes ng Encantadia sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.
Abangan naman ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong 2025 sa GMA Prime.