GMA Logo Jak Roberto
Photo Source: Jak Roberto (IG)
What's Hot

Jak Roberto, handa na bang umibig muli?

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 3, 2025 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Ready na ba ang puso ni Jak Roberto para sa bagong pag-ibig?

Abala ang aktor na si Jak Roberto sa trabaho ngayong muli siyang mapapanood sa telebisyon bilang parter ng upcoming series na My Father's Wife.

Bukod rito, pinagtutuunan rin ng pansin ni Jak ang kanyang negosyo at personal na buhay lalo na't malapit nang matapos ang pinapagawa niyang bahay.

"Focus sa business, sa bahay, ngayon may blessing pang dumating," saad ni Jak sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"Isa po ako ditong nursing student na tumutulong sa magulang. Very loving boyfriend, tinutulungan ko 'yung girlfriend ko na salat sa buhay. Nang pumunta ako sa US para makakuha ng green card, something happened."

Makakasama ni Jak sa My Father's Wife sina Gabby Concepcion, Snooky Serna, Kazel Kinouchi, at Kylie Padilla.

Nakaka-relate kaya si Jak sa My Father's Wife ngayong tatalakayin din nito ang pag-fall out of love ng isang magkarelasyon?

Sagot ni Jak, "Pwede natin hugutin 'yun, pero baka hindi mag-effect[ive] dahil parang, alam mo 'yun, sensitive pa sa'yo 'yun. Kami as an actor, as much as pwede kaming gumamit ng technique para hindi maging personal 'yung pag-atake namin sa eksena."

Handa na kaya siyang umibig muli?

"Wala muna siguro. Relax relax muna, gusto ko pang mag-discover ng iba't iba pang business. Back on track na tayo sa pagwo-workout ulit, medyo napu-frustrate ako lately, siyempre maraming pinagdaanan, stress eating, etc. Ngayon, game mode na ulit," pagtatapos ni Jak.

Panoorin ang buong panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras DITO: