GMA Logo David Licauco Gabbi Garcia and Bianca Gonzalez PBB
What's Hot

David Licauco, pinag-uusapan ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' viewers

By EJ Chua
Published May 5, 2025 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco Gabbi Garcia and Bianca Gonzalez PBB


Subaybayan si David Licauco bilang houseguest sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Muling sinorpresa ni Big Brother ang kaniyang housemates at ang viewers ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ipinakilala ang tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco bilang bagong houseguest sa Bahay Ni Kuya nitong Linggo, May 4.

Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Sa pagdating ng Sparkle actor sa iconic house, pinag-usapan ng mga manonood ang pagtatagpo ng una at ng kaniyang best friend na housemate ngayon na si Dustin Yu.

Tampok dito ang pagpa-prank ni David kay Dustin, kung saan naging kasabwat niya si Esnyr at ang iba pang housemates.

Bukod dito, usap-usapan din ang seryosong kuwentuhan nila tungkol sa love life ni Dustin sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Hindi rin pinalampas ng netizens ang pagsabay ng Pambansang Ginoo sa workout sessions ng housemates.

Ano kaya ang task na matatanggap ni Dustin mula kay Big Brother?

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.