
Tila malalim na pagkakaibigan ang naiwan nina Michael Sager at Emilio Daez sa kanilang housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Editon.
Kasunod ng paglabas nina Michael at Emilio sa Bahay Ni Kuya, napansin ng viewers na labis na naapektuhan dito ang Kapamilya housemate na si Ralph De Leon.
Sa isang episode ng programa, naging emosyonal si Ralph sa sobrang pagka-miss niya sa dalawang na-evict na itinuturing na niyang mga kapatid.
Malungkot niyang sinabi kay Big Brother, “Nawalan po ako ng dalawang kapatid si Michael [Sager] and si Emilio [Daez] po.”
“Just having someone that I've shared so much with, ups and downs, just be gone like that, masakit po talaga,” dagdag pa niya.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Inilarawan din ni Ralph ang kapwa ni Kapamilya star na si Emilio.
“Iba talaga na dinadala ni Emilio sa bahay Kuya, 'yung kulit, 'yung tawa, 'yung apoy sa pagka-competitive niya.”
Bukod kay Ralph, malapit din sina Michael at Emilio sa Kapuso housemate na si Will Ashley.
Sina Michael at Emilio ay kilala bilang celebrity duo na MiLi at kahit sila ay nasa outside world na kapansin-pansin na patuloy na bumubuhos ang suporta ng viewers at fans para sa kanila.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.