GMA Logo Sanya Lopez
Source: sanyalopez (IG)
What's Hot

Sanya Lopez, planong mag-beach trip matapos ang trabaho

By Marah Ruiz
Published May 6, 2025 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Nagpa-plano ng beach trip si Sanya Lopez matapos ang sunud-sunod niyang trabaho.

Matapos ang sunud-sunod na trabaho, planong mag-relax ni Kapuso actress Sanya Lopez.

Ayon kay Sanya, gusto sana niyang pumunta sa beach.

"Baka mag-Bali ako, baka mag-beach. Parang sabik na sabik ako sa dagat. Kasi after noong Sang'gre, diretso ako sa kabilang trabaho ulit which is blessing," pahayag niya.

Ito raw ang paraan niya para mag-recharge at maghanda sa susunod pang mga gagawin niya.

"Excited ako and happy ako lagi pero iba pa rin 'yung feeling na binibigyan mo rin ng relaxation 'yung sarili mo para ready kang mag-work sa susunod," lahad ni Sanya.

Masaya rin siya ng matapos ang tatlong linggo mula noong mag-premiere ang pelikula niyang Samahan ng mga Makasalahan, marami pa ring tumatangkilik nito.

"Mixed 'yung emotion nila--naging masaya sila, nagkaroon sila ng realizations. 'Yun 'yung gusto naming ma-receive na komento ng ibang tao after mapanood 'yung pelikula," bahagi niya.

Source: ayrin (IG)

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Nakatakda ring maging bahagi si Sanya ng upcoming movie mula sa director na si Irene Villamor. Makakasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Jaine Oineza, at Loisa Andalio.

Wala pang mga detalye ang pelikula, maging pamagat, pero nagsimula na ang shooting nito sa Japan.

SILIPIN ANG PAGLIBOT NI SANYA LOPEZ SA JAPAN DITO: