
Unang pagkakataon pa lang na magkatrabaho ang Kapuso actor na si Matt Lozano at Kapamilya actress na si Daniela Stranner para sa pelikulang The Last Goodbye pero naging close agad silang dalawa.
Sa Camarines Norte kasi kinunan ang pelikula kaya naging close sina Matt at Daniela nang mag-roadtrip sila nang mahigit 12 oras.
"Hindi kami nag-fly going to Bicol. Nag-van ride kami, so 12 hours kami magkasama sa van, doon lang kami nagkakilala," kuwento ni Daniela.
Ano kaya ang nag-discover nina Matt at Daniela sa isa't isa noong kalahating araw silang bumabyahe?
Sagot ni Matt, "Ako kasi, siyempre 'yung role mo sa past [show] mo, 'Hala, baka masungit.' Pero super sweet niya nung first time namin magkakilala."
Papuri naman ni Daniela, "Kitang-kita naman na Matt is such a sweet guy. Ang dating sa akin, magka-same age, super nag-vibes kami, ang bilis niya pong maka-vibe."
Showing na sa mga sinehan ang The Last Goodbye na idinerehe ni Noah Tonga.