GMA Logo dennis trillo
What's Hot

Dennis Trillo, sa pagiging zero filter: 'Hindi nakikipagplastikan'

By Nherz Almo
Published May 10, 2025 3:31 PM PHT
Updated June 15, 2025 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo


Mas gusto raw ni Dennis Trillo ang zero filter dahil “mas made-develop ang respeto mo sa isang tao.”

Itininuturing ni Dennis Trillo na blessing ang pagkapanalo niya bilang Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ay para sa natatangi niyang pagganap pelikulang Green Bones, na iprinodyus ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

“Actually, malaki po ang impact noon sa aking career dahil sa recognitions na natanggap ng ating pelikula. Feeling ko parang nagkaroon ng second wind yung career ko dahil doon.

“Katulad niya, pumasok itong Beautederm endorsement at iba pa. Sobrang thankful lang po ako sa lahat ng mga nangyayar," sabi ng aktor sa panayam matapos siyang ipakilala bilang endorser ng bagong Zero Filter Sunscreen by Belle Dolls noong May 8.

Pero agad namang nilinaw ni Dennis na, “Hindi naman po ako tumatanggi sa mga proyekto, mas namimili lang ng kung ano talaga yung mas bagay sa akin. Mas pinag-iisipan nang mabuti kasi po mas maraming responsibilidad na kami ay nakikilala bilang isang pamilya. So, minsan umiiwas sa mas sensitive na mga tema.”

Sa kabilang banda, inamin ni Kapuso Drama King na may kaakibat na pressure ang pagiging Best Actor. Gayunman, aniya, “Ayaw kong magpaapekto sa pressure. Basta kung ano yung trabaho na ibigay sa akin, ano yung obligasyon at responsibilidad.

“Ibinabalik ko lang sa kanila yun dahil ay trabahong ibinigay sa [akin]. Kasi, ibig sabihin nagtiwala sila sa 'yo, kailangan ibalik mo sa kanila yun ng 100 percent or kung puwede mas sobra pa. Alam mo yun, bilang pasasalamat at opportunity na binigay nila sa 'yo.”

Related gallery: Dennis Trillo's versatile career in film and television

Zero filter sa buhay

Bukod kasi sa acting projects, nagkaroon din siya ng endorsement deal. Isa na rito ang pagiging endorser niya ng Zero Filter Sunscreen ng beauty brand na Belle Dolls.

Kahapon, May 8, pormal siyang ipinakilala ng bilang bagong celebrity endorser ng Belle Dolls. Dahil sa productong kanyang iniendorso, natanong ng entertainment media si Dennis kung naa-apply din ba niya ang “zero filter” sa tunay na buhay?

Dennis Trillo (right) with Beautéderm and Belle Dolls owner Rhea Anicoche-Tan

Sagot ng aktor, “Siguro maa-apply ko rin yun sa trabaho namin bilang artista. Yung pagkakaroon ng no-filter, yung hindi pagpapakaplastik, hindi nakikipagplastikan. Mas maganda yung totoo ka para rin kasi doon mo mas made-develop ang respeto mo sa isang tao. Kapag nakikita mo na totoo siya sa mga ginagawa niya, totoo siya sa mga sinasabi niya, sincere siya sa mga actions.”

Dagdag pa niya, “Maa-apply din yun, siyempre, sa trabaho kapag uma-acting ka na, kailangan no filter, wala ka nang inhibitions para maibigay mo yung tamang performance na kailangan mong gawin.”

Kaugnay nito, tinanong ng GMANetwork.com kung anong ginagawang paraan ni Dennis para maging isang reliable actor.

Aniya, “Pagiging seryoso sa trabaho, pagiging dedicated sa ibibigay na kailangang gawin. Bukod po roon, siguro yung pagiging masunurin sa direktor, sa mga notes at direksyon na binibigay nila. Also yung pag-a-accept at pag-a-adjust sa set. Yun ang mga pinakaimportanteng gawin para maayos ang trabaho.”

Samantala, katulad ng iba pang mga aktor, hindi rin nakakaiwas si Dennis sa negative comments. Pero mas pinipili ng aktor na huwag ito bigyan ng pansin.

Paliwanag niya, “Ako po, kapag may negative, lumalayo ako dun. Di ko siya pinapansin lalo na kung hindi naman totoo at hindi makakatulong sa 'yo. Sasama lang ang pakiramdam mo kapag nakabasa ka ng ganun. So, lumalayo ako diyan, mas doon ako sa positive side.

“Kaya ganun ang mga ginagawa kong videos sa social media, gusto kong maka-inspire ng positivity sa mga araw ng mga tao, sa mga problema nila. Ayun, hindi ko pinapansin yung mga negative na comments.”

Related gallery: Best reaction ng celebrities sa kanilang bashers