
Hindi sigurado si Barbie Forteza kung magkikita pa sila ni David Licauco ngayong pupunta na siya sa Korea para sa upcoming series na Beauty Empire.
Kasalukuyang nasa loob ng Bahay ni Kuya si David bilang houseguest.
"I'm just really, really proud of him. Ako, to be honest, parang wala akong ganu'ng level ng lakas ng loob para pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya," pag-amin ni Barbie sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
"Ginusto niyang pumasok, and ginusto niyang makilala 'yung mga housemates. Si David kasi 'yung tipon ng tao na marami ka rin talagang makukuha sa kanya in terms of outlook sa buhay."
Panoorin ang buong report ni Barbie sa 24 Oras:
Mauunang mapapanood ang Beauty Empire sa Viu bago ito mapanood sa telebisyon sa GMA Network.
Samantala, mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.