
Ramdam ang excitement nina Andrea Torres at Marco Masa para sa bagong suspense drama series na Akusada.
Related gallery: Cast ng Akusada, nagkita-kita sa stoy conference
Sa kanilang Instagram accounts, ipinasilip nina Andrea at Marco sa kanilang followers at fans ang taping nila para sa naturang palabas.
Ibinida ng Kapuso actress ang kaniyang solo photo na tila ipinakikilala na niya ang kaniyang karakter sa serye.
Sulat niya sa caption, “Loving this journey so far, #Akusada. Can't wait for you to see it! Soon on GMA Afternoon Prime.”
Bukod kay Andrea, masaya ring ipinasilip ng Sparkle star na si Marco ang set ng Akusada at ang kaniyang mga larawan kasama ang kaniyang co-stars sa bago niyang proyekto.
Samantala, matatandaang bago sumalang sa taping, sumabak ang ilang cast members ng upcoming series sa isang acting workshop.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Akusada, ngayong 2025 na, sa GMA Afternoon Prime.