GMA Logo Will Ashley, Bianca De Vera
What's Hot

Will Ashley, Bianca De Vera, magka-duo na sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published May 14, 2025 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley, Bianca De Vera


Ramdam ang saya ng WilCa fans ngayong natupad na ang pangako nina Will Ashley at Bianca De Vera sa isa't isa.

May bagong set na ng duos sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa latest episode ng pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, ang Kapamilya star na si Bianca De Vera ang pinili ng Kapuso actor na si Will Ashley bilang bago niyang ka-duo.

Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Paliwanag ni Will kung bakit si Bianca ang kaniyang pinili, “Pipiliin ko po itong taong 'to kasi feeling ko magiging okay po kaming magka-duo. I want to connect with her more. Pipiliin ko po si Bianca.”

Kasunod nito, nabanggit ni Bianca kay Kuya na gusto pa niyang mas makilala si Will ngayong magka-tandem na sila.

Matatandaang bago ang ikaapat na eviction night, nangako ang dalawa na susubukan nilang tuparin ang hiling ng isa't isa--ang maging magka-duo.

Mababasa ang iba't ibang reaksyon ng WilCa fans sa social media posts ng programa.

Ang Sparkle star at Star Magic artist ay naging co-stars at naging malapit noon sa isa't isa nang magkasama sila sa first collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Unbreak My Heart.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.