GMA Logo AZ Martinez, Ralph De Leon, Josh Ford
Courtesy: ralph_dl (IG), _azmartinez (IG), joshford321 (IG), jaysonisaac_(IG)
What's Hot

AZ Martinez, sobrang nasaktan sa paglabas nina Ralph De Leon at Josh Ford sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published May 15, 2025 11:22 AM PHT
Updated May 15, 2025 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rain to parts of PH on New Year
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

AZ Martinez, Ralph De Leon, Josh Ford


Solid ang naging samahan nina AZ Martinez, Ralph De Leon, at Josh Ford sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Labis na ikinagulat ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition viewers at fans ang pagka-evict ng Team JoRa, ang duo nina Ralph De Leon at Josh Ford.

Ilang araw na ang lumipas ngunit usap-usapan pa rin sa social media ang naging reaksyon ng Kapuso housemates na si AZ Martinez sa malungkot na pangyayari.

Related gallery: Fun facts about PBB Celebrity Collab housemate AZ Martinez

Naging emosyonal kasi si AZ nang mapagtanto niyang evicted na ang dalawang lalaking malapit sa kaniyang puso na sina Ralph at Josh.

Kasunod ng paglabas ng duo sa Bahay Ni Kuya, inilahad ni AZ ang kaniyang saloobin tungkol dito.

Sabi niya kay Kuya, “Nawalan po ako ng gana. Sila [Ralph De Leon] and [Josh Ford] ang rason kung bakit ako masaya at gustong manatili rito.”

Hindi maikakaila na talaga namang sobrang napamahal at naging komportable si AZ sa dalawang housemates.

Samantala, si AZ ay kilala sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Miss Sinuring Daughter ng Cebu, habang sina Ralph at Josh naman ay tinawag dito bilang Dutiful Judo-son ng Cavite at Survivor Lad ng United Kingdom.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' Kapuso housemates and
their summer-worthy photos