GMA Logo Winwyn Marquez and Sparkle GMA Artist Center
What's Hot

Winwyn Marquez, nasorpresa sa warm welcome ng Sparkle family

By Kristine Kang
Published May 15, 2025 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez and Sparkle GMA Artist Center


Tila naging speechless si Winwyn Marquez sa mainit na pagsalubong ng Sparkle GMA Artist Center.

Puno ng pagmamahal ang surprise welcome ng Sparkle GMA Artist Center para kay 2025 Miss Universe Philippines first runner-uUp Winwyn Marquez.

Pinangunahan ni Sparkle Vice President Joy Marcelo, ang salubong ay ginanap para ipagdiwang ang tagumpay ng Kapuso beauty queen.

Tila naging speechless si Winwyn nang makita ang lahat at nakatanggap ng isang malaking bouquet.

Kuwento ni Winwyn, labis ang pasasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanyang Miss Universe Philippines journey. Kahit hindi man nakuha ang korona, masaya at proud din ang Kapuso star sa kanyang achievement.

"What's make it different, again it's my season. I have a daughter, I'm 32 years old, and it's a perfect platform to just champion for mothers na kahit ano'ng gusto nila gawin, pwede nilang gawin and nothing should stop them," sabi niya.

Fulfilled naman si Winwyn dahil naibahagi niya ang kanyang adbokasiya at naging inspirasyon sa lahat.

"I just want to think na winner na ako. Sumali pa lang ako, winner na ako. Magkaroon ng ganitong opportunity, winner ako," dagdag niya.

"For me, small wins [are] very important to me and I think iyan 'yung way to go to a bigger goal... Feeling ko ngayon winner na winner na ko."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sa ngayon, abala pa raw si Winwyn sa mga proyekto niya bilang beauty queen. Aniya, "I'm still doing shoots for them, for sponsor shoots. Kasi medyo marami akong nakuhang awards from them. So I have responsibilities with that pa rin po."

Kasabay nito, sinusulit din niya ang kanyang oras para makasama ang kanyang pamilya. "I sacrificed so much time with them. So ngayon, bumabawi ako sa kanila. We'll see siguro after a few weeks and then we'll plan kung ano 'yung next."

Pero sa kabila ng lahat, handa na raw si Winwyn na tumanggap muli ng mga proyekto na ibibigay sa kanya ng Sparkle.

"Huwag i-close ang door talaga, 'di ba? Because we never know what gonna happen next. Enjoy ko muna ano man dumating sa akin [at kung] ano meron ko ngayon."

Kamakailan lang, nakabalik sa telebisyon si Winwyn sa GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest. Kasama niya ang ibang magagaling na aktres tulad nina Camille Prats at Katrina Halili.

Tingnan ang mga hot photos ni Winwyn Marquez sa gallery na ito: