GMA Logo Bianca Umali
Photo: gmaencantadia (Instagram), 24 Oras (GMA Integrated News/YT)
What's Hot

Bianca Umali, masaya sa positive reception ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 17, 2025 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Walang masabi ang aktres na si Bianca Umali dahil sa mainit na pagtanggap sa teaser ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Overwhelmed si Kapuso Prime Gem Bianca Umali dahil sa magagandang reaksyon at komento na natanggap ng pinakabagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan makikita ang kanyang karakter na si Sang'gre Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.

Sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, walang ibang masabi si Bianca sa mga komento ng publiko na nag-aabang nang mapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre.

"Nakakatunaw ng puso, e, 'yung makita namin 'yung feedback. Ang saya kasi hindi mo alam kung ano 'yung i-e-expect mo, kasi siyempre ang tagal nang nag-iintay ng mga tao at nakaabang 'yung Enkantadiks," saad ni Bianca.

Dagdag ni Bianca, hindi naging madali ang naging trabaho nila sa Encantadia Chronicles: Sang'gre kaya buong-puso niya itong ipagmamalaki.

Aniya, "It's a whole lot of experiences and emotions and 'yung mentality na dinedicate ko sa show na 'to. Again, dalawang taon ng buhay ko. We all did our best."

Bukod kay Bianca Umali, tampok din sa Encantadia Chronicles: Sang'gre si Faith Da Silva na gagampanan si Sang'gre Flamarra, ang bagong mag-aalaga sa Brilyante ng Apoy.

Ayon kay Faith, malaking tulong sa kanya na kasama niya si Glaiza de Castro, ang gumaganap bilang si Sang'gre Pirena na ina ni Sang'gre Flamarra.

Pag-amin ni Faith, "Mas matapang ata si Flamarra kasi nanggaling ako sa kampo ng Punjabwe at Hathoria. 'Yung pagsamahin mo 'yung dalawang kampo na 'yun ibig sabihin mas matigas talaga ang ulo pero may puso, may puso pa rin."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, malapit na malapit na sa GMA Prime.