GMA Logo Julie Anne San Jose at Rayver Cruz
What's Hot

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, excited na sa pagbabalik ng 'The Clash'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 17, 2025 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz


Magbabalik sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Aiai Delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista para sa 'The Clash 2025.'

Muling magbabalik sa telebisyon ang Kapuso original reality talent competition na The Clash 2025 ngayong June.

Magbabalik rin sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Talented Performer Rayver Cruz bilang clash masters.

Patikim ni Julie, "First time in the history of 'The Clash' na mangyayari ito."

Dagdag ni Rayver, "Kasi sa 'The Clash' nangyayari 'yung lagi kang gulat na parang, 'Ah, nangyari 'yon?' Ang galing ng writer ng 'The Clash' talaga."

Muling magbabalik bilang judges ng The Clash sina Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, Asia's Nightingale Lani Misalucha, at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.

Saad ni Christian, "Nag-e-enjoy talaga kami, para na kaming pamilya dito. We get all, even 'yung mga production."

Dagdag ni Aiai, "Tsaka sanay kami na kami talagang tatlo, parang hindi pwedeng hindi kami, e."

Dahil panibagong season na ang The Clash, aminado si Aiai na magpapalit siya ng istilo ng pagkokomento lalo na't may mga nangyari sa kanyang buhay nitong nagdaang taon.

Aniya, "Ako siguro magche-change ako into a single person. Una kasi, medyo may pagka-matandang dalaga na ngayon ang peg ko, so may pagkamasungit na ako."

Dagdag ni Lani, "Magpapalit na kami ni [Aiai], ako na 'yung magiging ekstravaganza kung magdamit, talagang sobrang extrovert, daring ganyan."

Pagtatapos ni Christian, "Hindi po ako magbabago."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Abangan ang The Clash 2025 ngayong June sa GMA.