
Matagumpay ang aktres na si Sofia Pablo dahil magtatapos na siya sa senior high school sa susunod na buwan.
Kasalukuyang nagre-revise na lang si Sofia ng kanilang research paper matapos nila itong i-defend sa kanilang panelist.
"Siyempre masarap sa feeling kasi grabe 'yung binigay kong effort d'yan," pag-amin ni Sofia.
Dagdag niya, "Siyempre nahu-hurt ako na 'Huh?' Kung alam n'yo lang 'yung effort, 'yung sacrifice and sleep. Siyempre, ang sarap po sa feeling na after two super hard years in senior high, nairaos ko, and I'm graduating."
Kung sa totoong buhay ay magtatapos na sa senior high school si Sofia, malayo naman dito ang kanyang karakter sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.
Ayon kay Sofia, hindi na nila pinag-uusapan ng co-star niyang si Lauren King kung paano nila gagawin ang sabunutan at sampalan dahil naiintindihan niyang trabaho lang ang ginagawa nila.
"Ang [usapan] lang namin sa isa't isa ay do whatever you want, walang personalan. Kasi in reality, you won't know naman kung ano gagawin ng kaaway mo," saad ni Sofia.
Dagdag ni Sofia, nakatulong rin na magkaibigan sila ni Lauren sa likod ng kamera kaya iniingatan rin nila ang isa't isa na hindi magkasakitan.
Pagtatapos niya, "Ang hirap nun kapag hindi kayo close tapos, 'Sorry, sasabunutan kita, sasampalin kita.' So ang laking bagay po n'un na super close kami in real life kasi walang ilangan."
Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:
Panoorin ang Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.