GMA Logo  Shuvee Etrata, Ashley Ortega
Courtesy: shuveeetrata (IG), ashleyortega (IG)
What's Hot

Shuvee Etrata, ipinagmalaki ang pagiging generous ng BFF niyang si Ashley Ortega

By EJ Chua
Published May 17, 2025 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

 Shuvee Etrata, Ashley Ortega


Inalala ni Shuvee Etrata ang isa sa best moments niya kasama si Ashley Ortega.

Masayang nagkuwento si Shuvee Etrata kay Klarisse De Guzman tungkol sa kanilang former Pinoy Big Brother housemate na si Ashley Ortega.

Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Sa isa sa episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ipinagmalaki ni Shuvee ang generosity ng kaniyang BFF o matalik na kaibigan na si Ashley.

Inalala ng Kapuso housemate ang hindi niya inaasahang panlilibre sa kanya noon ni Ashley sa isang mamahaling Steakhouse.

“Si Ashley [Ortega], dinala niya ako sa Rockwell. Siya talaga nagbayad ng dinner namin. Hindi niya alam wala akong pera nu'n tapos nakita ko 'yung bill seven thousand,” kwento ni Shuvee kay Klarisse.

Dagdag pa niya, “Pinag-steak niya ako, kaming dalawa lang 'yun pero chinat ko 'yung mahihingian ko ng pera, Tito [ko].”

Nang aayusin na niya ang pambayad, agad umanong sinabi ni Ashley na siya na ang bahala sa kanilang bill sa restaurant kung saan sila kumain.

Ayon pa sa Kapuso housemate, sinabi sa kanya ni Ashley na siya talaga ang bahala dahil siya ang nagyaya sa una na mag-dinner.

Kilala ngayon si Shuvee sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Island Ate ng Cebu.

Samantala, muli kayang magkakasama ang mag-BFF sa loob ng Bahay Ni Kuya sa pamamagitan ng Big Comeback?

Abangan 'yan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang programa tuwing weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.