
Masaya si Barbie Forteza na nagkaroon sila ng reunion ng kasama niya sa upcoming GMA Pictures horror suspense film na P77 sa kanilang last taping day.
Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras, hindi maitago ni Barbie ang tuwa niya nang makita ulit ang mga kasamahan niya sa trabaho sa P77.
"Ang saya kasi same group of people tapos same location. Binabalikan namin 'yung memories na habang nagsu-shoot kami dito sa P77. Saya, saya, it's great to be able to catch up with Direk Derrick [Cabrido]," saad ni Barbie.
Kung sa pelikulang P77 ay matapang ang karakter ni Barbie, sa totoong buhay ay kabaliktaran siya nito.
Pag-amin ni Barbie, "Actually, medyo ngayon na lang ako natututong matulog na patay 'yung ilaw. Dati, kahit may parang night lamp nakabukas."
"Siguro I'm the best horror fan kasi na-feed 'yung fear ko talaga, pero gusto ko siya, it's a good type of fear para sa akin.
"Mahilig ako sa mga pelikula, mahilig ako sa horror movies, so gusto ko siya kasi nakakapag-isip ako, at the same time, nagiging research na rin siya para sa akin kasi trabaho ko rin naman siya."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Bukod sa P77, tampok rin si Barbie sa upcoming series na Beauty Empire na collaboration ng GMA, Viu, at CreaZion Studios.