
Eksklusibong pinakita ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang makabagong 360 degrees stage ng Stars on the Floor, ang upcoming competition na siya mismo ang magho-host.
Inikot ni Alden sa set ng Stars on the Floor si Nelson Canlas sa 24 Oras kagabi, May 16.
"Kung makikita natin, arena-layout talaga siya. This is tagged as one of the biggest dance competition and celebrity dance showdown of 2025 for GMA," saad ni Alden.
"Siyempre ito, kita natin 'yung LED wall, d'yan lalabas ['yung competitiors]. 360 'yan, hindi siya typical 'yung stage lang tapos nandoon sa one side kita lahat, so parang iba talaga.
"This goes to show how big the show is."
May patikim na rin si Alden kung sino ang tatlong celebrities na uupo bilang mga hurado.
"Meron tayong mga judges and we're calling them Dance Authority, but kung sino 'yung mga 'yan, hindi ko muna pwedeng i-reveal," ani Alden.
"Lahat dancer, lahat palong-palo, lahat sikat, lahat may kanya-kanyang forte pagdating sa pagsasayaw. Nakakatuwa lang din 'yung dynamics and the differences between the personalities."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:
Abangan ang Stars on the Floor, malapit nang mapanood sa GMA.