
Kahit nasa labas na ng Bahay ni Kuya, patuloy pa rin ang personal growth ng Kapuso ex-housemate na si Charlie Fleming.
Sa isang panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng Sparkle artist ang kanyang mga napagtanto matapos lumabas sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Isa sa mga pinakamahalagang realization niya ay ang mas pinalalim na pagmamahal sa kanyang trabaho bilang artista.
"What I really discovered sa sarili ko is that mas naging thankful ako sa mga ginagawa kong work. Mas naging thankful ako na artista 'ko. It's like a passion of mine,” sabi niya.
Mas lalong naging espesyal sa kanya ang pag-arte, lalo na't comedy agad ang unang proyektong kanyang sinabak matapos ang reality show. Bida si Charlie kasama si Tina Paner sa upcoming episode ng Regal Studio Presents: My Stage Mom.
"Actually, Sir Nelson, I was waiting for a comedy type of episode. Kasi whenever I audition for different shows, sobrang ano din kasi ako, humihirit din po kasi ako kahit may director. Kaya sinasabi nila always na someday I should try for comedy or they wanna get me for a comedy sometime. And I was so happy that I finally got that chance sa Regal po,” aniya.
Bukod sa pag-arte, may bagong natuklasan din ang aktres tungkol sa kanyang sarili--lalo na sa kanyang love affair sa fried chicken.
“Nalaman ko na may issue pala ako sa chicken. Parang kumain ako ng chicken. Bumawi na ako sa sarili. It was fried chicken din po. I miss the fried chicken, 'yung mga may sauce. Oh my God, I love it,” natatawang sabi niya.
Noong April, si Charlie Fleming at Kira Balinger (ChaKira) ang naging ikalawang evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ngunit may pag-asa pa si Charlie at ang iba pang ex-housemates na makabalik sa loob ng Bahay ni Kuya sa nalalapit na Big Comeback twist na iaanunsyo ngayong gabi.
Samantala, kilalanin pa ang Kapuso at Kapamilya housemates sa gallery na ito: