
Full support ang Mga Batang Riles actor na si Miguel Tanfelix sa negosyo ng kaniyang Mommy Grace Tanfelix nang siya mismo ang nag-deliver ng leche flan sa customer.
Sa official Facebook page ng Mommy Grace Kitchen, ibinahagi nila ang litrato ng kanilang client na masaya sa in-order nitong leche flan, at tila pati nang makita ang young actor na nag-deliver nito.
“SURPRISE! Order na kayo ng #MommyGraceLecheFlan, mga anak! Baka si Miguel pa ang personal na mag-deliver sa inyo hihi ” caption sa naturang post.
Sa litrato na pinost sa Facebook page, mababasa rin ang sinabi ng customer na sinabing nagkagulatan pa sila dahil sa nag-deliver. Saad pa nito napakasarap nga ng leche flan at ipinangakong oorder pang muli.
Kilala ngayon si Mommy Grace para sa kaniyang cooking contents sa Tiktok, at sa 'Okay na 'to' trend na pinasikat niya sa naturang videos.
BALIKAN KUNG PAPAANO NAGING PATOK ONLINE ANG LINYA NI MOMMY GRACE NA 'OKAY NA 'TO' SA GALLERY NA ITO:
Noong April, ibinahagi ni Miguel na ang Mommy Grace Kitchen ay sorpresang business venture niya para sa ina. Sa mga nakaraang interview, sinabi ng aktor na suportado niya at ng kanilang pamilya ang tumataas na social media career ni Mommy Grace.
Sa panayam ng mag-ina sa March 27 episode ng Fast Talk wtih Boy Abunda, inamin ng aktor na hindi nila inaasahan ang pagsikat ng kaniyang mommy sa cooking videos at trend na pinasikat nito.
Kuwento ni Miguel ay sinimulan lang nila ang cooking videos ng kaniyang ina noong COVID-19 pandemic bilang isang katuwaan lang.
“And then nag-hit 'yung kaldereta, and then 'yung pinaka-recent, 'yung naging trending 'yung 'Okay na 'to.' Du'n talaga parang nag-sky rocket,” pag-alala ng aktor.
Dagdag pa niya madalas, siya na nag nagiging handler ng kaniyang ina dahil sa kaniya na lumalapit ang mga taong gustong makipag-collaborate dito.
“Ako po minsan 'yung handler niya dahil may mga kumo-contact po sa akin, tapos ako 'yung middle man. Ako 'yung kunyari may inquiry, sasabihin po sa'kin,” ani Miguel.
Pag-amin pa ng aktor ay nagkaroon siya noon ng pangamba sa pagpasok ni Mommy Grace sa social media. Ngunit sa huli, gusto lang niyang suportahan ang kung ano ang magpapasaya sa kaniyang mommy.