
Nakuha nina Charlie Fleming at Ralph de Leon ang pinakamaraming boto para muling makapasok sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!
Matatandaan na noong nakaraang Linggo, May 11, ay inanunsyo ang pagkakataon ng dating housemates na sina Charlie, Ralph, Ashley Ortega, AC Bonifacio, Josh Ford, at Kira Balinger na muling makapasok sa bahay.
Sa episode ngayong Linggo, May 18, muling nakapasok sa Bahay ni Kuya sina Charlie at Ralph.
Aa pinakitang votes percentage, Nakakuha ng 40.44 percent ng boto si Charlie, habang pumangalawa naman si Josh na may nakuhang 33.16 percent. Si Ashley ay nakakuha ng 26.40 percent ng boto.
Sa Kapamilya stars, nakakuha ng 81.28 percent ng boto si Ralph, habang pumangalawa naman si AC na may 14.22 percent. Nakakuha naman si Kira ng 4.50 percent ng mga boto.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
BALIKAN ANG PAGBUBUKAS NG BAHAY NI KUYA SA GALLERY NA ITO: