GMA Logo Charlie Fleming at Ralph De Leon
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA, ABS-CBN
What's Hot

Pagbabalik nina Charlie Fleming at Ralph De Leon sa Bahay Ni Kuya, pinag-usapan online

By EJ Chua
Published May 19, 2025 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming at Ralph De Leon


Welcome back sa Bahay ni Kuya, Kapuso Charlie Fleming at Kapamilya Ralph De Leon!

Tila hindi natatapos ang sopresa sa pinakabagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Inanunsyo na ang naging resulta ng botohan tungkol sa big comeback sa episode ng programa na ipinalabas nitong Linggo, May 18.

Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Bago ito, nagkita-kita sa labas ng Bahay Ni Kuya ang ex-PBB Kapuso housemates na sina Ashley Ortega, Josh Ford, at Charlie Fleming.

Nakasama rin nila ang Kapamilya housemates na sina AC Bonifacio, Ralph De Leon, at Kira Balinger.

Nang ipaalam na ng PBB hosts na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia ang big announcement tungkol sa comeback, labis na ikinagulat nina Charlie Fleming at Ralph De Leon na sila ang nakakuha ng pinakamataas na boto, kaya't sila ang babalik sa iconic house.

Narito ang reaksyon at comments ng viewers at fans tungkol dito:

Ano kaya ang mga mangyayari sa kanila sa loob ng Bahay Ni Kuya?

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.