
Marami ang nakapansin sa pagiging talented ng Kapuso housemate na si Will Ashley sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Will Ashley's IG photos that scream summer
Ayon sa viewers ng programa, nag-stand out si Will sa katatapos lang na Big Carnival Concert sa loob ng Bahay Ni Kuya na ipinalabas noong May 17 at 18.
Kinagiliwan ng viewers at audience ng event ang pagiging mahusay ng Kapuso housemate sa napakaraming bagay.
Kabilang na rito ang kahanga-hangang talento ni Will sa pagsayaw at pagkanta.
Marami rin ang naaliw sa ipinakita niyang galing sa paggamit ng flower sticks, kung saan nakasama niya sa performance sina Esnyr at Shuvee Etrata.
Para sa ilang nakapanood sa kanya sa naturang event, total package umano ang Sparkle star.
Kilala si Will sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Mama's Dreambae ng Cavite at tinatawag din ng ilang netizens na Nation's Favorite Son.
Patuloy na subaybayan si Will Ashley sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang programa, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.