
Hindi nakalimot na magbigay ng pagpupugay ang Kapuso actor na si David Licauco sa kaniyang lolo na si Jaime Licauco na pumanaw nitong May 15 sa edad na 84.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, May 19, inalala ni David ang kaniyang mga hindi malilimutang alaala kasama ang kaniyang lolo.
Habang nakaburol ang lolo ng aktor sa Parañaque, ikinuwento nito na madalas daw niyang bisitahin ito.
"I would visit him dito sa Paranaque. Nag-uusap kami, he's very smart, he knows a lot about life. Kaya, for a couple of months, I would make sure to really spend time with him," sabi ni David.
Ibinahagi din ng Pambansang Ginoo ang isa pang alaala niya sa kaniyang lolo noong siya ay bata pa lamang.
"Hawak niya yung fork at nakatingin lang siya doon and super nag-i-internalize siya. Basically, parang gusto niya sa akin ipakita yung power of the mind niya. Then, ayun nag-bend yung fork, 'di ba. As a kid, wow, amazing 'yun. Kahit until now, sinasabi ko sa kaniya paminsan, lolo pakita mo naman sa
Pagmamalaki ni Davi, marami siyang natutunan mula sa kaniyang lolo noong ito ay nabubuhay pa. Natutunan nito na kapag pinaghirapan mo ang isang bagay at may passion ka sa ginagawa mo, malayo ang mararating mo.
Dagdag nito, "So, ayun, he is just an inspiration to me."
"Na-realize ko din na itong life na ibinigay sa atin, hindi siya forever. I mean, alam naman natin 'yun. I think it's better to be nice to everybody, stop the hate and choose peace over like chasing validation and instant gratification. Live happily and tell your loved ones you love them."
Sa isang post sa Facebook, tinawag ni David ang kanyang lolo bilang "the wisest man I knew" dahil sa mga life talks at mahahalagang aral na naibahagi nito sa kaniya.
Si Jaime Licauco ay isang author, columnist, at kilalang parapsychologist. Nakapagsulat ito ng 17 na libro bago pumanaw.
Pumasok naman si David sa Pinoy Big Brother house noong May 4 bilang isang houseguest.
Naglabas din si David ng kanyang first-ever single na pinamagatang "I Think I Love You" nitong May 16.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, tingnan dito ang iba pang mga celebrities na nawalan ng mahal sa buhay: