
"Isip at puso" ang ibinigay ni Angel Guardian sa pagganap bilang Sang'gre Deia sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre. Si Deia ay nagmula sa ice kingdom na Mine-a-ve, at magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Ayon kay Angel, humahanga siya sa katapangan ni Sang'gre Deia.
"Masasabi kong matapang ako pero hindi ko masasabing kasing tapang ako ni Deia, and I aspire na maging ganoon katapang one day," sabi ng aktres sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Dagdag ni Angel, nagpapasalamat siya na nabigyan ng pagkakataon na napasama sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre.
"Each character sa amin, mayroon at mayroong makaka-relate. I can't wait for the people to see and know each character, including Deia."
Noong Linggo (May 18), inilabas na ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ang teaser para kay Sang'gre Deia.
Makakasama ni Angel Guardian sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, at Faith Da Silva bilang Flamarra.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Hunyo sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: