
Milyon-milyon ang nag-abang at sumuporta sa character teasers na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre para sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Terra (Bianca Umali), Adamus (Kelvin Miranda), Flamarra (Faith Da Silva), at Deia (Angel Guardian).
Noong Martes (May 20), umabot na sa mahigit 10 million online views ang teasers ng new-gen Sang'gres.
Milyon-milyong pasasalamat, Encantadiks! 🙏
-- Encantadia Chronicles: Sang'gre (@GMAEncantadia) May 20, 2025
Mapapanood n'yo na ang #Encantadia Chronicles: #Sanggre ngayong June sa GMA! pic.twitter.com/JgVYsCfQSs
Unang inilabas ang teaser ni Sang'gre Terra noong Huwebes (May 15) kung saan ipinasilip ang ilan nitong action scenes at ang pagpapakilala sa kanya bilang ang itinakdang tagapagligtas ng Encantadia.
Sinundan ito ng teaser ni Sang'gre Flamarra noong Biyernes (May 16) kung saan hinangaan ng netizens ang "maaangas" nitong fight scenes.
Inilabas naman noong Sabado (May 17) ang teaser para kay Sang'gre Adamus, ang prinsipeng lumaking alipin at magiging tagapagmana ng Brilyante ng Tubig.
Hindi nagpahuli ang teaser para kay Sang'gre Deia na inilabas noong Linggo (May 18) kung saan ipinakita ang ilan nitong matatapang na eksena sa ice kingdom, ang Mine-a-ve, at mundo ng mga tao.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Hunyo sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: