GMA Logo Gabby Concepcion in My Fathers Wife TV series
What's on TV

Gabby Concepcion, determinado na maging 'convincing' sa pagganap niya sa 'My Father's Wife'

By Aedrianne Acar
Published May 22, 2025 3:26 PM PHT
Updated June 4, 2025 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BIR files admin case vs. 2 employees over alleged direct bribery, LOA misuse
Dagupan targets zero firecracker injuries in New Year
These are the restaurants Gabbi Garcia and Khalil Ramos visited on their China trip

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion in My Fathers Wife TV series


Gabby Concepcion, excited na sa big drama project niya sa GMA-7 na 'My Father's Wife.'

Maraming viewers ang na-hook sa dating afternoon prime series ng seasoned actor na si Gabby Concepcion na Ika-6 Na Utos.

Hindi na mabilang ang viral scenes nito na umani ng miyun-milyon views online at naglipana rin ang patok na memes nito sa social media.

At ngayong 2025, nagbabalik si Gabby Concepcion sa afternoon prime sa bago niyang drama series na My Father's Wife, kung saan makakasama niya sina Kylie Padilla, Kazel Kinouchi, at Jak Roberto.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa former matinee idol, nagkuwento ito ng kaniyang saloobin sa pagganap niya sa new role niya sa much-awaited GMA Drama series.

“Ito na naman ako, sinasabi ko excited ako. Totoo naman din kasi siyempre kung gumagawa ka ng teleserye para tayong nasa fantasy land,” paliwanag ni Gabby.

Pagpapatuloy niya, “So ginagawa mo 'yung role na hindi ikaw. Maganda rin naman 'yung minsan nasa imagination lang natin na puwede natin gawing legal 'di ba?

“So masaya na you are portraying the role, iba-ibang role nga 'yun ang maganda sa pagiging isang artist. Let's call us that because talaga naman you have to portray a role and you have to be convincing.”

Aktibo na rin ang GMA Entertainment Group sa online promotion ng My Father's Wife at naglabas na ito kahapon sa Facebook ng first teaser poster kung saan makikita sina Kylie at Kazel.

Agaw pansin rin ang caption ng online poster na: “Gaano kasakit pagtaksilan ng kaibigan?”

Makikita sa comments section ng post na excited na ang fans sa mangyayari sa My Father's Wife na malapit nang ipalabas sa telebisyon.

RELATED CONTENT: Gabby Concepcion is thrilled to return to TV via 'My Father's Wife'