
Aminado ang aktres na si Jillian Ward na nagbago ang tingin niya kay Raheel Bhyria nang muli silang magsama sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Nauna na kasing nagkasama sina Jillian at Raheel sa Abot-Kamay Na Pangarap kaya marami na rin ang nagsi-ship sa kanilang dalawa.
Pero paglilinaw ni Jillian, "We're very good friends, and super bait siya, and nakikita ko 'yung effort niya na i-welcome ako sa show niya. Actually, medyo nag-iba po 'yung parang tingin ko sa kanya recently, feeling ko mas grounded siya ngayon, mas mature siya."
Enjoy na enjoy rin si Jillian sa taping ng Mga Batang Riles dahil sa mga maaksyong mga eksena nina Raheel, Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, at Anton Vinzon bilang sina Sig, Kidlat, Kulot, at Dags.
"Ang saya nila katrabaho, super gaan," saad ni Jillian. "'Pag nasa standby area, may mga ginagawa kami, nagra-rap battle sila tapos nakikinig ako, napakasaya lang."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Mapapanood ang Mga Batang Riles mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.