GMA Logo althea ablan on Faney The Fan
What's Hot

Althea Ablan, tuwang-tuwa sa kanyang debut film

By Nherz Almo
Published May 24, 2025 10:14 PM PHT
Updated May 24, 2025 10:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP probes security firm in QC car dealership shooting
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

althea ablan on Faney The Fan


Gumanap si Althea Ablan bilang isang Gen Z fan sa 'Faney The Fan,' na isang tribute film para sa yumaong National Artist at Superstar na si Nora Aunor.

“Ang nararamdaman ko ngayon, sa totoo lang po, hindi ko ma-explain dahil ang laki po ng screen dito!”

Ito ang excited na sagot ni Althea Ablan nang tanungin tungkol pakiramadam niya matapos mapanood ang kauna-unahan niyang pelikula, ang Faney The Fan. Ito ay tribute film na ginawa ni Direk Adolf Alix, Jr. para sa yumaong National Artista at Superstar na si Nora Aunor.

Nakangiting dagdag pa ni Althea, “First time ko po makita yung sarili ko na pinapanood ng maraming tao. At hindi lang po basta-basta film dahil ito po ay tribute para kay Ms. Nora Aunor, na isang Superstar po.”

Nabanggit ni Althea na bagamat hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho si Nora, nakilala naman niya ito sa pamamagitan ng pelikulang kanilang ginawa.

Kuwento niya, “Sa totoo lang po, never ko pong na-meet o naka-work si Ms. Nora Aunor. Nabanggit ko rin kay RS [Francisco, film producer] kaya ang sabi niya sa akin, 'Buti ginawa mo itong pelikula na 'to.'

“Para sa akin, pasasasalamat po ang pelikulang ito sa mga alaala na iniwan niya po sa atin dahil siya po ang Superstar natin.

“During po sa libingan, doon po ako mas nalinawan, mas nabigyan din po ako ng idea tungkol kay Ms. Nora Aunor. At, especially mula kay Direk Adolf, na ang daming beses na niyang nakatrabaho si Ms. Nora Aunor. Totoo po ang mga sinabi niya isa siyang napakabuting tao.

“Hindi lang siya magaling na artista or singer, pero as mismong tao po, sobrang buti niya at mayroon siyang puso sa mga sumusuporta sa kanya. Kaya nga po nandito sila ngayon para suportahan ang tribute namin para kay Ms. Nora Aunor."

(Mula sa kaliwa) Kasama ni Althea Ablan ang mga batikang aktres at direktor
na sina Laurice Guillen at Gina Alajar sa pelikulang 'Faney The Fan.'
(Courtesy: althea_ablan30 on Instagram)

Samantala, tila naging sulit naman ang paghihintay ni Althea na gumanap sa isang pelikula simula nang pasukin niya ang pag-aartista sampung taon na ang nakalilipas.

Sa Faney The Fan kasi ay nakaeksena niya ang mga batikang aktres at direktor na sina Laurice Guillen at Gina Alajar, na gumanap bilang kanyang mga lola.

“First film at ang mga kaeksena ko pa po ay sina Direk Laurice, Direk Gina, Angeli Bayani, at iba pa pong veterans. Sa una po, na-intimidate ako dahil veterans na po sila, ang tagal na po nila sa industriyang ito. Pero siyempre po, hindi ko dapat iparamdam yun sa kanila. Kailangang iparamdam ko na kaya kong gawin, na ibibigay ko yung best ko,” pahayag ni Althea.

Nagpasalamat din siya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ni Direk Adolf dahil wala silang sinundang script para sa Faney The Fan.

Sabi ng 20-year-old actress, “Kung napansin n'yo po, itong film namin ay no script dahil nga po mabilisan lang po itong [ginawa]. Noong sinabi po ni Direk Adolf yun, sabi ko, 'Direk, first time ko po ito na walang script, pero kayo na po ang bahala. So, nagtiwala po ako sa tatlong direktor na [kasama] ko.”

Proud na proud naman si Direk Gina kay Althea, na una niyang nakatrabaho sa hit GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Wika niya, “Ako ang nagturong um-acting diyan, e. Siyempre, sasabihin ko na magaling siya. Kailangan talaga na magaling siya. Artista ko si Althea sa Prima Donnas. Si Althea, bata pa 'to, lalaban 'to, lumalaban na 'yan.

“You know, she's 20 years old and I remember na I directed her when she was 14 years old. Ang dami nang nagdaan na panahon. Fourteen pa lang siya, lumalaban na 'yan. Siya yung batang nakikinig at nag-a-absorb na lahat ng sinasabi ko sa kanya. Para 'yang sponge.”

Related gallery: LOOK: Althea Ablan's prettiest photos