GMA Logo Bianca Umali
Photo: @bianxa (Instagram)
What's Hot

Bianca Umali enters Bahay Ni Kuya as new houseguest

By EJ Chua
Published May 25, 2025 8:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Ano kaya ang task ni Bianca Umali sa Bahay Ni Kuya sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'?

May bagong makakasama ang celebrity housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Inilahad sa programa na ang Sparkle star na si Bianca Umali ang bagong houseguest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa kaniyang pagbisita sa iconic house, kaabang-abang kung ano ang task na ibibigay sa kanya ni Big Brother at kung magtatagumpay siya rito.

Anu-ano kaya ang mangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya habang naroon si Bianca?

Samantala, bago ang pagpasok ng Kapuso actress, matatandaang ang latest na nakasama ng housemates ay ang dalawang bigating showbiz personalities na sina Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.