
Ipinakilala ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Josh Ford bilang bagong host-mate ng Unang Hirit.
Ilang araw matapos ang pagka-evict sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, bumisita si Josh sa studio ng nabanggit na GMA morning show, kung saan tinanggap niya ang task na maging isa sa mga host ng programa.
Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Nang ipakilala siya ng Unang Hirit Barkada bilang bago nilang makakasama tuwing umaga, kapansin-pansin na excited ang Sparkle star sa kaniyang bagong proyekto sa outside world.
“Kahit ano pong task 'yan, I will always be ready at siyempre gagalingan ko po palagi,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, “I'm so excited sa mga task na kailangan kong gawin dito sa Unang Hirit.”
Samantala, bago si Josh ay nagsilbi na ring host-mate sa naturang programa ang ex-PBB housemate na si Michael Sager.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.