GMA Logo h2wo mika salamanca
What's Hot

H2WO, suportado ang PBB journey ng ex-GF na si Mika Salamanca

Published May 26, 2025 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

h2wo mika salamanca


Hinikayat ni H2WO na iligtas ang ex-girlfriend niyang si Mika Salamanca mula sa 'PBB' eviction.

All-out na ang suporta ng fans para sa bagong listahan ng mga nominado ngayong linggo sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Kabilang dito ang Kapuso star at Controversial Ca-babe-len ng Pampanga na si Mika Salamanca matapos mabigo sa ikalawang "Big Intensity Challenge."

Nagpakita naman ng suporta ang ex-boyfriend ni Mika na si John Paul Salonga o mas kilala sa gaming at streaming industry bilang H2WO.

Sa kaniyang personal Facebook account, nanghikayat si H2WO na bumoto at iligtas sa nominasyon ang Kapuso actress na minahal ng karamihan dahil sa kaniyang pagpapakatotoo at nakatutuwang personality.

Puno naman ng pasasalamat ang ina ni Mika Salamanca na si Camilla Margarita, “Thank you JP.” INSERT LINK:

Sagot ni H2WO, “You're welcome po tita, support lang,” reply naman ni H2WO.

Bukod kay Mika, kabilang din sa listahan ng mga nominado sina Will Ashley, Dustin Yu, Vince Maristela, Charlie Fleming, Bianca De Vera, River Joseph, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, at Xyriel Manabat.

Samantala, ligtas naman sa nominasyon sina Shuvee Etrata, Ralph De Leon, AZ Martinez, at Esnyr matapos nilang manalo sa mga nagdaang "Intensity Challenge."

Sa puntong ito ay indibidwal ang magiging botohan para mailigtas ang housemates at maaaring itong gawin sa pamamagitan ng Maya app.

Panoorin ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 10:05 p.m.; at tuwing Sabado at Linggo, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring panoorin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

KILALANIN SI MIKA SALAMANCA SA GALLERY NA ITO