GMA Logo Andrea Torres
What's Hot

Andrea Torres, sinorpresa ng kanyang fans ng birthday party

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 26, 2025 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Lahat ng paborito at wishes ni Andrea ay nasa surprise birthday party na inihanda ng kanyang fans.

Binigyan ng isang surprise birthday party ng kanyang mga fans ang aktres na si Andrea Torres na nagdiwang ng kaarawan noong May 4.

Lahat ng favorites at wishes ni Andrea ay inihanda ng kanyang fans kaya naman taos-puso ang pasasalamat niya sa kanila.

Aniya, "Ang dami sa kanila, talagang more than a decade nang kasama ko. Iba 'yung ganung klaseng pagmamahal, 'di ba, tsaka napaka-consistent nila. Sabi ko nga, 'yung love na 'to, love 'to na parang 'yung love sa 'yo ng magulang mo, love sa 'yo ng kapatid mo. Sobra ko silang chine-cherish."

Ang nag-iisang birthday wish ni Andrea sa kanyang kaarawan ay magustuhan ng mga manonood ang upcoming series niyang Akusada.

RELATED GALLERY: Cast ng 'Akusada,' nagkita-kita sa story conference

"I think first time na gumawa ng soap na ang role, e, magtatahong. Gusto namin na super mapakita 'yung community na 'yun, kung ano 'yung buhay nila," pag-amin ni Andrea.

Dagdag niya, iba ang chemistry nila ni Benjamin Alves na makakasama niya sa suspense drama series.

"'Pag kaeksena ko siya, parang nababawasan 'yung preparation ko ng half. Parang alam kong magwo-work 'yun, kung ano man 'yung gagawin niya, makakapagbatuhan kaming dalawa," pagtatapos niya.

Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:

Abangan ang pagsisimula ng suspense drama series na Akusada ngayong taon sa GMA Afternoon Prime!