GMA Logo mike tan
Source: imiketan/IG
What's Hot

Mike Tan, nanawagan sa nakakuha ng kanyang phone: 'Please do the right thing'

By Kristian Eric Javier
Published May 26, 2025 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

mike tan


Ipinakita ni Mike Tan ang insidente kung saan nawala phone sa pag-asang maibalik ito ng taong kumuha. Panoorin dito:

“Please return my phone.”

Iyan ang naging apela ni Mike Tan sa nakakuha ng cellphone niya sa isang restaurant nitong Linggo, May 25.

Sa kaniyang social media pages, pinost ni Mike ang CCTV footage kung saan makikitang naiwan ng aktor ang kanyang cellphone sa lamesa ng isang restaurant. Mula rin sa video ay makikita ang isang babae na umupo sa parehong table at kinuha ito. Kasunod nito ay makikitang pasimpleng umalis at lumabas ang babae dala-dala ang cellphone ni Mike.

Sa caption, sinabi ng aktor, “To the lady who may have mistakenly picked up my phone today, May 25 at 7 PM, and forgot to surrender it to the staff or management of the restaurant we were in, I am kindly appealing to your honesty and hoping you can RETURN IT."

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NINAKAWAN DIN SA GALLERY NA ITO:

Pagpapatuloy pa ni Mike, maaaring iwanan ng babae ang cellphone sa reception ng GMA Network Center, “No questions will be asked.”

Sinabi rin niya na, "If the phone is not returned, I may be compelled to formally report the matter as a case of theft."

Kaya naman sa huli, nakiusap si Mike sa nakakuha ng kanyang cellphone, "Please do the right thing."

Panoorin ang insidente rito: