
Naghatid ng good vibes ang It's Showtime host na si Vice Ganda dahil sa kanyang kulitan moment kasama ang dalawang miyembro ng P-pop group na SB19 na sina Stell at Josh.
In-upload ng Unkabogable Star sa kanyang social media accounts ang video kasama sina Stell at Josh habang sila ay nagla-laugh trip na nakaayon sa tono ng kanta ni Justin Bieber na “Baby.”
“Laugh trip,” the seasoned comedian wrote in the caption.
Noong May 16, bumisita sina Stell at Josh sa noontime variety show na It's Showtime at kasali sila sa segment na “Kids Sona” kasama ang iba pang hosts ng programa.
Naging bahagi rin ang SB19 sa “Magpasikat” performance ng Team ni Vice noong nakaraang taon.
Bukod dito, kabilang si Vice Ganda sa mga personalidad na tampok sa “DUNGKA!” music video ng SB19.
RELATED GALLERY: SB19 has a star-studded MV for 'DUNGKA!'
Samantala, subaybayan si Vice Ganda sa It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.