
Naging emosyonal ang Sparkle star na si Shuvee Etrata sa nagdaang eviction sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ito ay kasunod ng pagka-evict ng Kapuso housemate na si Vince Maristela sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Sa isang episode, ipinakita ang reaksyon ng housemates nang malaman na nila kung sino ang bagong evictees.
Hindi napigilan ni Shuvee ang pagtulo ng kanyang luha sa paglabas ng Bahay Ni Kuya ng itinuturing niyang malapit na kaibigan na si Vince.
Ayon sa kanya, “Siya po [Vince Maristela] ang tinatakbuhan ko palagi, Kuya.”
Ipinaliwanag ni Shuvee kay Big Brother kung paano siya natulungan ni Vince sa pag-aadjust niya sa loob ng iconic house.
“Yung mga unang araw ko po sa bahay n'yo Kuya, nahirapan po talaga ako and isa po si Vince sa mga tumulong po sa akin, sa mga nakinig sa iyak ko, sa mga nagparamdam po sa akin na okay lang po 'yung nararamdaman ko,” sabi niya.
Samantala, ang Kapamilya housemate na si Xyriel Manabat ang kasunod ni Vince na lumabas ng Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.