
Viral sa social media ang isa sa videos na in-upload ni Richard Juan sa kanyang TikTok page.
Tampok sa video ang nakaaaliw na kulitan moments ni Richard kasama sina Sassa Gurl, Kim Ji Soo, at Bey Pascua.
Mapapanood dito ang language class nila habang nagba-bonding at kumakain na magkakasama sa isang tourist spot sa Bicol.
Game na game silang nagturuan sa video habang nagta-translate ng iba't ibang salita.
Si Richard Juan ang assigned sa Chinese-Mandarin language, kay Kim Ji Soo ang Korean, kay Bey Pascua naman ang English, at kay Sassa Gurl naman ay ang Beki language.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 366,000 views ang naturang video.
Mababasa sa comments section ng post ang iba't ibang reaksyon ng netizens at kani-kanilang fans sa kanilang napakasayang bonding.
Sa caption ng video, mababasa ang pahapyaw ni Richard sa new project niya kasama sina Sassa Gurl, Kim Ji Soo, at Bey.
“Language class with Bey, Sassa Gurl, and Kim Ji Soo. Be Cool in Bicol, coming soon on GMA Network,” sulat niya.
@richardjuan language class w/ @Bey @Sassa Gurl @Kim Ji Soo 🤭 BE COOL in BICOL coming soon on @GMA Network ♬ original sound - 范鴻志 RICHARD JUAN 홍지
Samantala, huwag palampasin ang kanilang exciting adventures sa travel show na kanilang pagbibidahan na malapit nang ipalabas sa GMA.