GMA Logo dustin yu at bianca de vera
Source: biancadeveraa (IG) and dustinyuu (IG)
What's Hot

Dustin Yu at Bianca de Vera, kilig ang hatid bilang final duo

By Nherz Almo
Published June 7, 2025 4:37 PM PHT
Updated June 7, 2025 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

dustin yu at bianca de vera


Bianca de Vera, sa pagtanggap kay Dustin Yu bilang kanyang final duo, “Tapusin na natin 'to.”

Patuloy na lumalayag ang #DustBia matapos piliin ni Dustin Yu si Bianca de Vera bilang kanyang final duo sa Pinoy Big Brother Celebrtiy Collab Edition.

Sa June 6 episode ng naturang programa, nabigyan ng pagkakataon ang Kapuso housemate na si Dustin para pumili ng kanyang final duo partner.

Ngumingiting paglalarawan ni Dustin bago pangalanan si Bianca, “Pinipili ko po itong taong 'to kasi sobrang laking part niya dito sa journey ko sa PBB. Ang dami kong natutunan ko sa kanya and I can't wait na mas matuto pa sa kanya as a duo.”

Diin pa niya sa huli, “Itong taong ito ay very important sa akin," bago sabihin ang pangalan ni Bianca.

Agad namang nagpalakpakan nang may halong hiyawan ang housemates sa naging desisyon ni Dustin. Sigaw pa ni Kapamilya housemate Esnyr, “Panalo!”

Bilang pagtanggap, sabi ni Bianca kay Dustin, "Well, we've been through a lot in this house, We've been through thick and thin, hell and back. Aso't pusa man tayo madalas, I wouldn't have it any other way. So, tapusin na natin 'to!"

Sina Dustin at Bianca ang ikatlong final duo na in-announce ng PBB, Nauna nang ipinakilala ang duos nina Ralph de Leon at Will Ashley; at Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman.

Abangan kung sinu-sino pa ang magsasama bilang final duos sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mamaya sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'