
Pangmalakasan ang collaboration ng dalawa sa pinaka kilalang na content creators sa Pilipinas ngayon.
Nagsama sina Ivana Alawi at Toni Fowler para sa isang vlog, kung saan naranasan nila ang buhay ng isa't isa.
PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE
Napuno ng biruan ang vlog tungkol sa magkaiba nilang buhay. Nagsalo-salo rin sila sa bahay ni Ivana kasama ang nanay at kapatid niya, at ang partner ni Toni na si Tito Vince.
Sa bahay naman ni Toni, nasubukan ni Ivana na pakainin ang anak ni Toni na si Baby Tyrone. Nakilala rin niya ang iba pang miyembro ng Toro Family, kabilang sina Mikay at Papi.
"Ang cute nila. Ang tagal ko nga rito, puro lang kami chikahan," sabi ni Ivana.
Para naman kay Toni, "Ako rin, as Ivana, nag-enjoy rin ako kasi napakaganda ng space mo, kung papaano kayo ng family mo. Parang kapag ganito rin ang bahay ko, perfect din sa amin 'to. At saka yung mommy mo, sobrang welcoming. Parang game siya, di ba? At saka grabe rin kaming mag-chikahan. Si Mona rin, parang ang biling, naging close na agad."
Sa huli, sinabi ni Ivana, "Dadalawin ko palagi dito si Mommy Oni kasi neighbors kami."
Lumabas naman sina Ivana at Toni para mamigay ng brand new phones basta naka-follow sa pareho nilang pages.
Panoorin ang swap ng buhay nina Ivana Alawi at Toni Fowler sa YouTube channel ng una.
Related gallery: Ivana Alawi fills her home with Italian luxury furniture
Samantala, naging laman ng balita ang pangalan ni Ivana kamakailan dahil sa pagkakasangkot niya sa issue sa pagitan ni newly-elected Bacolod representative na si Albee Benitez at asawa niyang si Dominique "Nikki" Benitez.
Kumalakat online ang ilang bahagi ng reklamo ni Nikkie sa diumanong paglabag ni Albee sa Republic Act 9262 o ang "Anti-Violence Against Women and the Children Act of 2004."
Nakasaad dito na may nagkaroon ng "implied admissions of his current illicit relationship with Ivana Alawi" si Albee.
Itinaggi naman ni Albee ang akusasyon ni Nikki, habang nananitili namang tikom ang bibig ni Ivana sa issue.