
Ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Shuvee Etrata ay patuloy na nakatatanggap ng papuri mula sa maraming viewers at netizens.
Kahit nasa outside world na matapos lumabas ng Bahay Ni Kuya nitong June 14, pinag-uusapan pa rin si Shuvee at ang kanyang personality.
*Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata
Ayon sa viewers at netizens, bilib sila sa ipinakitang pagpapakatotoo ng Sparkle star sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at maging sa paglabas nito sa iconic house.
Ilang beses ding hinangaan si Shuvee sa pagkapanalo at pagiging mahusay niya sa tasks na ibinigay ni Big Brother sa kanila, at isa na rito ang Big Intensity Challenge.
Marami rin ang nakapansin sa pagiging thoughtful niya sa ibang housemates gaya na lang ng pag-aalala niya kay Klarisse noong tumalon ito sa swimming pool.
Dahil sa mga ito, tila marami ang talaga namang nanghihinayang sa pagka-evict ni Shuvee pati na rin ng kanyang ka-duo na si Klarisse De Guzman.
Nakilala ang Kapuso star sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Island Ate ng Cebu.
Lumabas ng Bahay Ni Kuya ang ShuKla (Shuvee at Klarisse) nitong Sabado, June 14.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.