
Napakaraming Filipino viewers ang talaga namang hook na hook sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at sa intense na mga kaganapan dito.
Kabilang sa mga invested na sa programa ang ilang celebrities tulad ni Andrea Torres.
Sa GMA Afternoon Prime Grand Media Day, ibinahagi ng Akusada actress sa GMANetwork.com at iba pang press members na isa sa mga hilig niyang gawin ngayon ay ang panonood ng Pinoy Big Brother.
Pahayag niya tungkol sa collaboration ng GMA at ABS-CBN, “Ang ganda sa paningin, fresh, si Gabbi [Garcia] host kasama niya si Bianca Gonzalez. Parang who would have thought, 'di ba? Happy po ako roon kasi ang daming opportunity na nag-o-open, 'yung mga pairing nangyayari.”
Ayon pa kay Andrea, libangan niya ang panonood nito lalo na pagkatapos ng kanilang taping para sa upcoming suspense drama na Akusada.
“Pinoy Big Brother, oh my gosh, guilty pleasure ko siya… Kapag umuuwi kasi ng taping siyempre 'yung last scene mo mabigat so magkakape ka muna so 'yun ang pinapanood ko,” sabi niya.
Related gallery: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: The final duos
Samantala, huwag palampasin ang susunod na twists at sorpresa sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.