GMA Logo ynez veneracion
What's Hot

Ynez Veneracion, hindi Katoliko pero laging humihiling sa Pink Sisters

By Nherz Almo
Published June 19, 2025 7:50 PM PHT
Updated June 20, 2025 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 18, 2025
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

ynez veneracion


Ynez Veneracion, aminadong madalas nagpupunta sa Pink Sisters kahit isang Christian: “Nalito tuloy ako!”

Hindi raw inakala ni Ynez Veneracion na aabot siya hanggang sa katapusan ng GMA Prime series na Mga Batang Riles.

Sa naturang serye, ginagampanan ng aktres ang karakter ni Dolor, ina ng isa sa lead actors ng serye na si Anton Vinzon.

Noong una raw ay akala niya guest actor lamang siya rito, pero umabot na siya hanggang pagtatapos nito bukas, June 20.

Natatawang kuwento pa ni Ynez, nitong mga huling episodes daw ng programa, kinakabahan siya sa tuwing darating ang kanilang script dahil baka mawawala na siya.

“Ito na, nung mga latter part, namamatay na yung mga kontrabida. Kabado ang bakla! Kinakabahan ako kasi, una, namatay si Paolo Contis, binarily. 'Tapos, namatay din si Desiree del Valle, binaril din. Sino na lang natitira? Sina Jay Manalo at Bruce [Roeland]. Kaya sabi ko, 'Sh*t ako na 'yan!

“Heto na, may breakdown, lahat ng mga eksena nila, nandoon ang mga pangyayari. Pagdating ng mga eksena ka, mayroon akong apat na eksena na blangko. Sabi ko, 'Baka mamaya tegibels [patay] na ang lola mo dito sa apat.' E, hindi, 'Ay! More, more, more!' Pagdating ng another script, nandun pa ako, hindi pa ako tegi!'

“Buti na lang nag-Pink Sisters ako. Sabi ko kasi, 'More, more tapings pa po.'

A post shared by Ynez Veneracion (@ynez_veneracion888)

Natuwa rin daw siya kung paano nag-evolve ang kanyang karakter sa Mga Batang Riles.

“Nakakatuwa kasi una, kontrabida; 'tapos, comedy; tapos, pinag-drama. So, kontrabida, comedy, drama. Pang-apat, mabait na siya. Iba-iba yung transition ng character ko.”

Nakausap ng GMANetwork.com, at ilang piling entertainment media, si Ynez sa isang pocket press conference na ginanap sa Delmo's Café sa San Juan City noong Miyerkules, June 18.

Pink Sisters

Ayon kay Ynez, isa lamang ang Mga Batang Riles sa mga ipinagdasal at hiniling niya sa pagbisita niya sa Catholic religious institute na Pink Sisters. Marami na raw siyang ipinanalangin at hiniling dito na natupad.

“Grabe yung Pink Sisters sa akin, simula pa noong naghiwalay kami ni Mon [Confiado]. Si Tita Geleen [Eugenio] ang nagsabi sa akin, na magpunta ka roon, magsulat ka, at magbigay ka ng any amount sa sobre. 'Yon, naniwala ako,” paglalahad ni Ynez.

Bukod sa tuluy-tuloy na pagpasok ng trabaho, kabilang sa mga natupad na hiling niya pagkakaroon ulit ng bagong bahay, sasakyan, pati ang closure sa dating kasintahan.

Aniya, “Hiniling ko na sana bumalik dito, bumalik!”

Dahil dito, tinanong ng press si Ynez, kung relihiyosa siya. Sagot niya, “Christian po ako. Pero kasi, yung Pink Sisters, Catholic yun, di ba?”

Nakakatawang dagdag pa niya, “Kasi, simula noong maraming natutupad, nalito tuloy ako!”

Gayunman, sabi ni Ynez, buo pa rin ang kanyang pananampalataya, “Since nalito ako, sabi ko na lang, 'Basta, Lord, sa 'yo ako! Basta diretso na lang ako sa 'yo.”

Nilinaw naman na hindi lang siya nagpupunta sa Pink Sister kung may kailangang hilingan. Bumabalik din daw siya rito para magpasalamat, lalo na kung may natupad sa kanyang mga ipinagdasal.

“MInsan may habol na hiling sa dulo lang,” biro niya.

Meron pa ba siyang hiling para sa sarili?

Sagot niya, “Ewan ko ba dito sa Pink Sisters, mayroon akong hiling na ayaw ibigay. Kapag sa career, binibigay. Pero kapag sa lalaki, ayaw ibigay! Ha-ha! Ang tagal Pink Sisters, charot!”

Sa edad na 44, ang pinakahiling na lang daw ng aktres para sa sarili ay ang makapag-settle down.

“Sabi ko naman, siguro hindi pa rin talaga ngayon. Kung ano lang yung ibibigay, yun ang ie-embrace ko,” pagtatapos ni Ynez.

Related gallery: Celebrities na deboto ng Itim na Nazareno